Tuesday, March 03, 2020

Pagkaka-sibak kay Ungab sa Appro Ctte, kinundena ng HNP ni Mayor Inday Sara

Kinundenda ng Hugpong ng Pagbabago o HNP regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang pagkaka-sibak kay Davao City Rep Isidro Ungab bilang Chairman ng House Committee on Appropriations.

Ayon sa HNP, hindi katanggap-tanggap ang biglaang pagsibak kay Ungab bilang Appro chair at hindi aniya ito makakatulong sa legislative agenda ng Duterte administration.

Sa kabila nito ay pinasalamatan naman ng Hugpong ang ginawang serbisyo ni Ungab sa bansa at sa Pangulo.

Matatandaan na si Ungab ang sinasabing nagsumbong kay Pangulong Duterte at sa DBM ng bilyong pisong parking funds sa 2020 para sa mga mambabatas na malapit naman kay Cayetano dahilan kaya hinarang ang proyekto ng mga distrito. 

Si ACT-CIS Rep Eric Go Yap naman na dating chairman ng House Committee on Games and Amusement ang papalit kay Ungab sa Appropriations Committee.
Free Counters
Free Counters