Monday, March 02, 2020

PDP laban sa Kamara, nagpahayag ng suporta kay House Speaker Alan Peter Cayetano

Handang lumagda sa isang manifesto ang lahat ng mga miyembro ng PDP- Laban sa Kamara para ipakita ang kanilang suporta kay House Speaker Alan Peter Cayetano

Ito ay matapos lumabas ang isyu ng ouster plot laban kay Cayetano mula umano sa kampo ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco.

Ayon kay Deputy Speaker Johnny Pimentel, buo ang suporta ng PDP kay Cayetano bilang speaker at hinding-hindi nila susuportahan ang anomang ouster plot laban dito. 

Giit naman ni Pimentel na wala silang alam sa PDP-Laban patungkol sa ouster plot dahil may umiiral naman na term sharing agreement sa pwesto bilang Speaker. 

Sa huli, tiniyak ni Pimentel na susuportahan nila ang lahat ng hakbang na magtataguyod ng kapayapaan sa pagitan ng mga miyembro ng mababang kapulungan lalo na ang pagsusulong sa legislative agenda ni Pangulong Duterte.
Free Counters
Free Counters