Pinabulaanan ng isang solon ang diumano’y pagmamaniobra ng kampo ni Velasco para sirain ang term sharing sa Speakership
Binalikan ng kampo ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco para gantihan ang maa-anghang na pananalita ni Deputy Speaker Luis Raymund "LRay" Villafuerte na minamaniobra ni Velasco ang speakership kapalit ang committee chairmanship at budgetary allocations ng mga kongresista.
Sinabi ni Oriental Mindoro Rep Doy Leachon na mas mabuting itikom na lamang ni Villafuerta ang kanyang bibig dahil walang katotohanan na kumikilos ang kampo ni Velasco para sirain ang term sharing agreement na mungkahi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Leachon, mananatiling tatalima si Velasco sa kanilang "gentleman's agreement" hanggang Oktubre, ang buwan na matatapos ang 15 buwang termino ni Cayetano.
Sinabi noon ni Villafuerte na paano raw titiyakin ni Velasco na maipagpapatuloy nito ang
legislative agenda ng pangulo gayong sa simpleng usapan ng gentlemen's agreement ay hindi nito iginalang.
Hinamon ni Villafuerte si Velasco na hayaan na lamang nila na magdesisyon ang mga miyembro ng majority coalition sa magiging kapalaran ng term-sharing agreement sa pagitan nila ni Speaker Cayetano.
<< Home