Thursday, May 18, 2017

Pirma na lang ng Pangulo para sa 10-year validity ng pasaporte

Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangang para maipatupad na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang 10-year validity ng Philippine Passport matapos ratipikahan kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference report ukol sa nasabing panukala.

Walang tumutol nang isalang ni House committee on transportation chairman Cesar Sarmiento sa ratipikasyon ang nasabing panukala kahapon sa plenaryo ng Kamara.

Dahil dito, agad na ipapadala ang panukala sa Office of the President para lagdaan ni Duterte at maipatupad sa loob ng 15-araw pagkatapos itong maipalathala.

Gayunpaman, kahit hindi pirmahan ni Duterte ang nasabing panukala ay magiging batas ito sa loob ng 30-araw mula nang ipadala ang panukala sa kanyang tanggaan.

Base sa nasabing panukala, lahat ng mga Filipino na kukuha ng passport ay magagamit sa loob ng 10 taon o doble sa kasalukuyang 5 taon na validity ng nasabing dokumento.

Layon umano ng batas na bawasan ang pila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at maging ang gastos ng mga Filipino sa pagkuha ng pasaporte tuwing ika-5 taon.

Malaki rin umano ang tulong ng batas na ito para sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa lalo na ang mga mayroong mahahabang panahon ng kontrata.
Free Counters
Free Counters