* Abandonadong mga palaisadaan, gagawing forest lands
Ipinanukalang
gawing forest lands na ang mga abandonado o hindi nagagamit na mga palaisdaan
ng matagal na panahon upang mapakinabangan at makatulong sa masamang epekto ng
pagbabago ng panahon.
Ang
panukalang ito ay inaprubahan na ng House committee on natural resources kung
saan papayagan dito ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)
para ibalik sa forest lands ang mga palaisdaang hindi nagagamit o abandonado na
ng tatlong taon.
Sinabi ni
Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica na lalong dumarami ang mga taong nakatira
sa mga komunidad na madalas dumaranas at nagiging biktima ng pagbaha dahil sa
nakakalbong kagubatan.
Dapat aniya
umanong palakasin ang batas tungkol dito at mapakinabangan ang mga abandonadong
palaisdaan at maaring magpalago ng mga mangrove upang matugunan ang mapangwasak
na epekto sa pagbabago ng panahon o kaya’y para sa eco-tourism activities para
ma-umpisahan ang pag-unlad ng ekonomiya ng isang komunidad.
Idinagdag
pa ng kongresista na kailangang bigyan umano ng mandato ang Department of
Agriculture (DA) para paghandaan ang Department of Environment and Natural
Resources (DENR) joint guidelines sa pagtukoy sa abandonado o hindi nagagamit na
mga palaisdaan.
Dito
epektibong maipapatupad umano ang probisyon sa pagbabalik ng mga palaisdaan,
maging ang Fishpond Lease Agreements (FLAs) na inisyu ng Bureau of Fisheries
and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA) na sumasakop sa
mga palaisdaan.
Aniya,
sinasaad din sa Presidential Decree No. 705, o mas kilala bilang Revised
Forestry Reform Code para sa DENR na ibalik ang mga palaisdaan sa Fisheries
Lease Agreements (FLAs) sa forest lands, kung ang palaisdaan ay abandonado at
hindi na nagagamit sa loob ng limang taon mula sa panahon ito ay gamitin.
Inaprubahan
ng komite sa pamumuno ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani T. Zarate ang
House Bill 854 na iniakda Villarica bago nag adjourn ang Kongreso sa
pagdiriwang ng pasko.
<< Home