Wednesday, September 10, 2008

LIFESTYLE CHECK PARA SA HUDIKATURA, IMINUNGKAHI

IMINUNGKAHI KAHAPON NI MANILA REP BIENVENIDO ABANTE ANG ISANG LIFESTYLE CHECK SA LAHAT NG MGA MIYEMBRO NG HUDIKATURA NA ISASAGAWA SA PAMUMUNO NG KORTE SUPREMA.

SINABI NI ABANTE NA ANG NAGING DESISYON NG SUPREME COURT NA I-DISMISS SI ASSOCIATE JUSTICE VICENTE ROXAS SA DAHILANG DISHONESTY HINGGIL SA KASO NG MERALCO AY MALIIT LAMANG NA BAHAGI NA MAAARING MAG-UMPISA NG PAGLINIS NG HUDIKATURA SA MGA BAD EGGS.

AYON SA KANYA, NAKATAKDA SIYANG MAGHAIN NG ISANG PANUKALANG BATAS NA HIHILING NA I-EXEMPT ANG JUDICIARY, KASAMA NA ANG MGA PROSECUTOR, SA SALARY STANDARDIZATION LAW.

ANG NABANGGIT NA MUNGKAHING LUPON AY BIBIGYAN NG KAPANGYARIHANG MAGSAGAWA NG PAGSIYASAT NG MGA LIFESTYLE NG COURT OF APPEALS JUSTICE AT IBA PANG MGA MIYEMBRO NG HUDIKATURA, DAGDAG PA NG MAMBABATAS.

Free Counters
Free Counters