RETIREMENT PACKAGE NG SUNDALO, PAGIIBAYUHIN
ISANG PANUKALANG BATAS ANG INIHAIN SA KAMARA NA MAY LAYUNAING PAGIBAYUHIN ANG MGA RETIREMENT AT SEPARATION BENEFIT NG MGA MIYEMBRO NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES SA PAMAMAGITAN NG PAGPANTAY NG MGA BENEFIT PACKAGE NA BINIBIGAY SA MGA MGA NAGRETIRO AT SA MGA NASA ACTIVE SERVICE.
SA HB04279 NI BATANGAS REP HERMILANDO MANDANAS, GAGAWARAN NG BENEPISYO ANG MGA NAULILA NG ISANG NASAWING OPISYAL O ENLISTED MAN O DILI KAYA AY GANAP NA NA-DISABLE O DILI KAYA AY NAGRETIRO NA.
SINABI NI MANDANAS NA ANG KASALUKUYANG SURVIVOR BENEFIT NA NATATANGGAP NG MGA NAULILA NG NAMATAY NA SUNDALO MATAPOS ITO MAG-RETIRE AY NAGKAKAHALAGA LAMANG SA 37.5% NG KANYANG BASIC AT LONGEVITY PAY BAGAMAT ANG BENEPISYO NG NAMATAY SA ACTIVE SERVICE AY NASA FLAT RATE NA 50%.
AYON SA KANYA, ANG MGA NAULILA NG OPISYAL O ENLISTED MAN NA MAY 27 TAON O MAHIGIT PA NA SERBISYO AT NAMATAY HABANG NASA ACTIVE SERICE PA AY TUMATANGGAP NG MAS MABABANG BENEPISYO KAYSA SA MGA NAG-RETIRE O NAMATAY MATAPOS MAG-RETIRE.
SA PAG-AMIYENDA SA KASALUYANG BATAS, IMINUNGKAHI NI MANDANAS NA ILAGAY ANG PROBISYONG NAGSASABI NA: OR SEVENTYFIVE PERCENTUM OF THE RETIREMENT PAY HE WOULD BE ENTITLED TO RECEIVE IF HE WERE RETIRED ON THE DATE OF HIS DEATH OR DISABLILITY, WHICHEVER IS IS HIGHER.
<< Home