Wednesday, September 10, 2008

INDUSTRIYA SA NIYOG, TUTULUNGAN NG PAMAHALAAN

UPANG MAIBSAN ANG PROBLEMA NG MGA MAGSASAKA NG NIYOG NA NAAPEKTUHAN NG MGA BAGYONG DUMAAN SA BANSA, IMINUNGKAHI NI AURORA REP JUAN EDGARDO ANGARA NA MAGKAROON NG EMERGENCY ACTION ANG PAMAHALAAN PARA MABIGYAN NG KAGYAT NA LONG-TERM RELIEF SA MGA COCONUT FARMERS NA MATAGAL NANG NAGDUSA SA EPEKTO NG DI PANGKARANIWANG PAGBABA NG MGA PRESYO NG COPRA AT IBA PANG MGA COCONUT PRODUCTS.

LAYUNIN NG HB00151 NI ANGARA NA TATAGURIANG COCONUT EMERGENCY MEASURES ACT NA MABENEPISYUHAN ANG MAHIGIT 20 MILYONG FILIPINONG NAKASALALAY ANG KANILANG MGA BUHAY SA PAGTANINM AT PAG-ANI NG NIYOG PARA SA KANILANG KANUHAYAN.

AYON KAY ANGARA, LUHANG NAAPEKTUHAN ANG MGA COCONUT FARMERS SA NABANGGIT PROBLEMA NA NAGRESULTA NG PAGBABA NG PRESYO NG COPRA SA MERKADO AT TINUKOY NIYA NA SA SOUTHERN TAGALOG PA LAMANG, ANG PRESYO NG COPRA AY BUMAMA MAGMULA P22.40 BAWAT KILO NOONG 2004 NA NAGING P18.28 NA LAMANG NITONG NAKARAANG DALAWANG TAON.

IMAMANDO SA PANUKALA ANG DIRECT BUYING NG COPRA NA ISAGAWA NG NATIONAL FOOD AUTHORITY (NFA) BATAY SA PRESYONG ITINALAGA NG PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY (PCA).

ITO NA UMANO ANG PANAHON NA DAPAT HIMASUKAN NG PAMAHALAAN ANG PAMAMALAKAD SA INDUSTRIYA NG NIYOG UPANG MAIANGAT NAMAN ANG KABUHAYAN NG MGA NAAPEKTUHANG SEKTOR

Free Counters
Free Counters