PAMBANSANG PROGRAMANG PAMPALAKASAN, RIREBISAHIN
IPINANUKALA NI BACOLOD REP MONICO PUENTEVELLA SA HB05006 NA I-OVERHAUL ANG BUONG SPORTS PROGRAM NG BANSA UPANG GANAP NANG MAGING HANDA ANG MGA ATLETANG FILIPINO AT MATULAD SA KANILANG MGA COUNTERPART SA ISANG BANSA KUNG ANG PAG-UUSAPAN AY ANG PAGSASANAY, PAGHAHANDA AT SUPORTANG PANG-PINANSIYAL.
INAASAHANG MATUGUNAN NG PANUKALA ANG NAGING MAHINANG PERFORMANCE NA IPINAKITA NG ATING MGA ATLETA SA MGA INTERNATIONAL SPORTS, NA NATUNGHAYAN NITONG NAKARAANG TATLONG OLYMPIC GAMES.
SINABI NI PUENTEVELLA NA ANG PILIPINAS AY HINDI NAKAKAMIT NG NI ISANG MEDALYA SA 2000 OLYMPICS SA SYDNEY, 2004 ATHENS OLYMPICS AT GANUN NA RIN SA PINAKAHULING 2008 BEIJING OLYMPICS DAHIL KAKULANGAN NG ISANG NAKAPUKOS NA SPORTS PROGRAM AT PROBLEMA SA PONDO.
AYON SA KANYA, ANG MALAKAS NA POTENSIYAL NG ATING MGA MANLALARO AY MABABALE WALA LAMANG KUNG WALA TAYONG SAPAT NA RESOURCES UPANG SILA AY MAKAPAG-INSAYO AY MAIPAGPAPAIBAYO ANG KANILANG MGA KAKAYAHAN.
<< Home