PAGPAPATUPAD NG PROGRAMANG PABAHAY, ISASAGAWA NG DHUD
IPINAHAYAG NI CAVITE REP JOSEPH EMILIO ABAYA NA KANYANG INIHAIN ANG PANUKALANG HUMUHILING NG PAGKAKAROON NG SAPAT NA PABAHAY PARA SA MGA MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN SA BANSA AT GAWARAN SILA NG MGA BATAYANG PANGANGAILANGAN UPANG SILA AY MAKAPAMUHAY NG DESENTENG BUHAY.
SA HB0336, SINABI NI ABAYA NA DALAWAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS AT HINDI PA RIN NANGYARI ANG MINIMITHING PAGKAKAROON NG SARILING BAHAY NG KARAMIHAN SA MGA MAMAMAYANG FILIPINO.
IMINUNGKAHI SA PANUKULA NI ABAYA ANG PAGTATATAG NG DEPARTMENT OF HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT O DHUD NA SIYANG AATASANG MAGING LEAD GOVERNMENT AGENCY NG PAMAHALAAN UPANG KAGYAT NA MATUGUNAN ANG MGA PROBLEMA SA PABAHAY SA BANSA.
ANG PROGRAMANG PABAHAY NA IPATUTUPAD NG DHUD AY ISASAGAWA SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PRIBADONG SEKTOR, MGA PAMAHALAANG LOKAL, MGA PEOPLES ORGANIZATION AT MGA NGO.
<< Home