Wednesday, July 19, 2006

PAGSASARA NG NATIONAL STEEL CORPORATION SA ILIGAN CITY

IGNIGIIT NGAYON SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO ANG IMBESTIGASYON KAUGNAY SA NAPIPINTONG PAGSASARA NG NATIONAL STEEL CORPORATION SA ILIGAN CITY.

SA RESOLUSYON NA INHAIN NI CONGRESSMAN ALIPIO BADELLES, KANYANG HINIHINGI ANG AGARANG AKSYON NG HOUSE COMMITTEE ON TRADE AND INDSUTRY NA KAAGAD NA MAGSAGAWA NG IMBESTIGASYON HINGGIL DITO.

AYON KAY BADELLES, SADYANG NAPAKAHALAGA NG PAPEL NG NSC SA PAGSUSUPPLY NG BAKAL SA BANSA BUKOD PA SA PAGBIBIGAY NG KABUHAYAN SA ATING MGA KABABAYAN LALO NA SA REHIYON NG MINDANAO.

IDINAGDAG NI BADELLES, SA PAGSASARA NG NSC DAHIL NA RIN SA PAGKALUGI NITO NA MAGRERESULTA NG PAGKAWALA NG MAHIGIT P160 MILLION PESOS SA BUWIS PA LAMANG, KANILANG IGIGIIT KUNG TAMA NGA BA ANG GINAWANG PRIVITIZATION NG PAMAHALAAN SA NSC UPANG HINDI NA MAULIT PA SA IBA PANG MGA KUMPANYA NG GOBYERNO.

KUMPANYANG NAKIKIPAGSABWATAN SA MGA SMUGGLERS

HINIKAYAT NGAYON NI CONGRESSMAN DANILO SUAREZ SI PANGULONG JOSEPH ESTRADA NA BUMUO NG ISANG ANTI-SMUGGLING INTER-AGENCY TASK FORCE UPANG MAPABILIS ANG AKSYON LABAN SA MGA KUMAPNYANG NAKIKPAGSABWATAN SA MGA SMUGGLERS.

AYON KAY SUAREZ, MASYADO NG NALULUGI ANG PAMAHALAAN DAHIL NA RIN SA LAGANAP NA SMUGGLING SA BANSA AT ITO AY DAHIL NA RIN SA PINASOK NA RIN NG ILANG LEHITIMONG KUMAPANYA ANG SMUGGLING SA PAMAMAGITAN NG PAGBEBENTA NG MGA SMUGGLED GOODS SA MGA PAMILIHAN.

SINABI NI SUAREZ NA ANG TASK FORCE NA ITO AY LALAGYAN NG NGIPIN NA SIYANG MAGPAPATAW NG PARUSA SA MGA KUMPANYA NA NAKIKIPAGSABWATAN SA MGA SMUGGLERS SA PAMAMAGITAN NG PAGKANSELA NG MGA BUSINESS PERMITS AT PAGSASARA SA KANILANG NEGOSYO BUKOD PA SA PARUSANG MULTA AT KULONG NA NAKASAAAD SA KASALUKUYANG BATAS.
Free Counters
Free Counters