PAGPAPALIBAN SA BARANGAY ELEKSIYON, INIREKOMENDA
NAGPASYA ANG KARAMIHAN SA MGA MIYEMBRO NG HOUSE CTTE ON LOCAL GOVERNMENT NA PABOR NA IREKOMENDA SA MABABANG KAPULUNGAN ANG PAGPAPALIBAN SA NAKATAKDANG ELEKSIYON NG MGA OPISYAL NG BARANGAY NGAYON TAONG ITO.
ITO AY MATAPOS TALAKAYIN NG KOMITE ANG TATLONG MGA PANUKALANG BATAS NINA NEGROS ORIENTAL REP HERMINIO TEVES, ANG HB 197 AT ZAMBOANGA DEL NORTE REP ROSELLER BARINAGA, ANG HB 316 AT HB 317. NA MAY LAYUNING ISAGAWA NA LAMANG ANG BARANGAY ELECTION SA TAONG 2005 ALINSABAY NA RIN SA ELEKSIYON NG SANGGUNIANG KABATAAN.
IPINANUKALA NINA TEVES AT BARINAGA ANG NATURANG PAGPAPALIBAN NG NABANGGIT NA ELEKSIYON UPANG MABIGYANG HALAGA UMANO NG PAMAHALAAN ANG PAGRESOLBA SA MGA MAS MAHAHALAGANG PROBLEMANG KINAKAHARAP NG BANSA NA SA HALIP AY GAGASTOS ANG GOBYERNO PARA SA ELEKSIYON AY GAMITIN NA LAMANG ITO SA PAGPAPAIBAYO NG EKONOMIYA.
NGUNIT NILINAW NAMAN NI NEGROS ORIENTAL REP EMILIO MACIAS, TAGAPANGULO NG KOMITE NA ANG KANILANG BUTUHAN SA KOMITE AY UPANG MAKITA LAMANG ANG KONSENSUS NG MGA KASAPI NITO AT HINDI NANGANGAHULUGANG ITO NA ANG MAGING PASYA NG BUONG KAMARA.
KAILANGAN PANG MAGKAROON NG PINAGSANIB NA PAGPUPULONG ANG CTTE ON SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORM AT ANG NABANGGIT NA KOMITE BAGO ITO MAKAPAG-REKOMENDA SA PAMAMAGITAN NG CTTE REPORT PARA SA DELIBERASYON SA BULWAGAN.
HINDI TACTICAL VICTORY NI DESIERTO ANG PAGKABUHAY NG 62 GRAFT CHARGES
HINDI MAITUTURING NA ISANG TACTICAL VICTORY NI OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO ANG MULING PAGBUHAY SA ANIMANAPUT DALAWANG GRAFT CHARGES NA NATULOG UMANO SA SANDIGANBAYAN.
ITO ANG SINABI NI MISAMIS ORIENTAL REP OSCAR MORENO, CHAIRMAN NG HOUSE CTTE ON ECONOMIC AFFAIRS AT COMPLAINANT SA PANGALAWANG KASO NG IMPEACHMENT LABAN KAY OMBUDSMAN DESIERTO.
IGINIIT NI MORENO NA ANG MULING PAGBUKAS NG MGA NATURANG GRAFT CHARGES AY MAITUTURING NA VICTORY O KAPANALUNAN NG MGA NAG-AAKUSA KAY DESIERTO AT NAGBIGAY BUHAY SA KANYANG PAGBUBUNYAG SA PRIVILEGE SPEECH NA MAY NAKABINBING KASO NG TAX CREDIT SCAM NA NAGKAKAHALAGA NG MULTI BILYONG PISO.
AYON KAY MORENO, LALU LAMANG MADIDIIN SI DESIERTO SA NAGING HAKBANG NA ITO NG SANDIGANBAYAN, DAHILAN PARA PURIHIN NI MORENO ANG NATURANG TANGGAPAN DAHIL SA JUDICIAL BRAVERY NITO.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, KATROPANG TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA DWDD KATROPA RADIO, IBA TAYO!

<< Home