Wednesday, July 19, 2006

MANDATORY AUTOPSY, DAPAT IPATUPAD

HINILING KAHAPON NINA SOUTH COTABATO REPS ARTHUR PINGOY AT DARLENE ANTONINO-CUSTODIO ANG PAGPAPATUPAD NG MANDATORY AUTOPSY SA SINOMANG TAONG KUWESTIYUNABLE ANG PAGKAMATAY UPANG MABATID KUNG ANO ANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NITO.

SINABI NINA PINGOY AT CUSTODIO, NAGING NORMAL NA LAMANG NA KAGAWIAN ANG HINDI PAGPAPA-AWTUPSIYA SA BANGKAY NG ISANG TAO KAHIT NA KAHINAHINALA PA ANG PAGKAMATAY NITO. AYON SA KANILA, ANG PRINSIPYO UMANO NG AWTOPSIYA AY UPANG MABATID ANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NG ISANG TAO HANGGANG SA MAGAWARAN ITO NG NARARAPAT NA HUSTISYA.

INIHALIMBAWA NG DALAWANG SOLON ANG MGA BATANG NAMAMATAY DAHIL SA LUPIT NG KANILANG MGA MAGULANG NA KUNG WALANG UMANONG MAGMAMALASAKIT SA KANILANG MGA BANGKAY PARA MA-AWTOPSIYA, HINDI MABUBUNYAG AT MAPARUSAHAN ANG MGA RESPONSABLE DITO.

SA MANDATORY AUTOPSY RIN UMANO, ANILA, MALALAMAN KUNG TUTUONG ANG IKINAMATAY NG ISANG PASYENTE AY SANHIN NG MEDICAL MALPRACTICE O SIMPLENG KAPABAYAAN NG MGA MEDICAL STAFF. (30)

BUDGET NG OPS, MABILIS NA INAPRUBAHAN

AGARANG INAPRUBAHAN NG HOUSE COMMITTEE ON APPRORIATIONS ANG HINIHINGING 847 MILYONG PISONG BADYET NG OFFICE OF THE PRESS SECRETARY O OPS PARA SA TAONG 2002 AT ITO AY NANGYARI SA LOB NG 10 MINUTONG DIBERASYON LAMANG.

IPNALIWANAG NI CAMARINES SUR REP ROLANDO ANDAYA, CHAIRMAN NG NATURANG KOMITE, NA ANG AGARANG PAGPASA NG KUPUNAN SA BADYET NG OPS AY DAHILAN SA WALA UMANONG KUWESTIYUNABLENG MGA PROBISYON SA PANUKALA NITO.

SINABI NI ANDAYA NA WALA UMANONG KONTROBERSIYAL SA INIHAING BUDGET PROPOSAL NG OPS KAYA TINAPOS NA NILA ANG PAGDINIG DITO AT SINABING SA SUBCOMMITTEE NA LAMANG BUBUSISIHIN ANG EXPENDITURE PROGRAM NG KANILANG AHENSIYA.DAHIL DITO, NAGPASALAMAT NAMAN SI OPS SEC NOEL CABRERA SA AGARANG PAGTATAPOS NG BUDGET HEARING NG KANYANG SINABI NA ANG PONDO NG KANILANG AHENSIYA ANG IKATLO SA MAY PINAKAMALIIT NA PONDONG HINILING PARA SA TAONG 2002. (30)
Free Counters
Free Counters