Wednesday, July 19, 2006

10/12/01 – NATIONAL MUSEUM, MAWAWALAN NA NG ILAW AT TUBIG

NATUKLASAN SA ISANG PAGDINIG SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO NG PILIPINAS NA MAPUPUTULAN NA NG SERBISYO SA KURYENTE NG MERALCO AT TUBIG NG MWSS ANG NATIONAL MUSEUM DAHIL SA PAGKAKAUTANG NITO NG MAHIGIT WALONG MILYONG PISO PARA SA DALAWANG UTILITY COMPANIES.

LUMITAW SA NAKARAANG BUDGET HEARING NA PINAMUMUNUAN NI QUEZON REP ALETA SUAREZ NA ANG LUMANG GUSALI NG KONGRESO KUNG SAAN GINAWA ITONG NATIONAL MUSEUM AT ANG IBA PANG MGA KARATIG GUSALI NITO AY HINDI NA NAKAKABAYAD NG KANILANG PAGKAKAUTANG SA DALAWANG MAJOR UTILITY NG BANSA.

IPINALIWANAG NI NATIONAL MUSEUM EXEC DIR CECILIO SALCEDO NA DAPAT SANA AY NOONG NAKARAANG BUWAN PA ITO NAPUTULAN NG SERBISYO NG ILAW AT TUBIG, NAILIGTAS LAMANG UMANO ITO DAHIL SA PERSONAL NA DONASYON NI BUSINESSMAN TONYBOY COJUANGCO NA NAGKAKAHALAGA NG 1.2 MILYONG PISO.

AYON SA KANYA, BINAWASAN NA NILA ANG ORAS NG PAGPASOK SA MUSEUM AT KALAHATI NA LAMANG ANG SECURITY FORCE NA NAGBABANTAY NGAYON SA MGA MAHAHALAGANG CULTURAL TREASURES NG BANSA BILANG PAGTUGON SA PANAWAGANG MAGTIPID SA MGA GASTUSIN.

NAPAGALAMAN DIN SA NATURANG PAGDINIG NA KUMITA ANG NATIONAL MUSEUM NG 7.13 MILYONG PISO MULA SA ENTRANCE FEES AT AUTHENTICATION CHARGES NOONG NAKARAANG TAON NGUNIT ITO AY NAPUNTA NAMAN SA NATIONAL TREASURY.

TUNGKOL SA GANG OF FIVE PA RIN

IMINUNGKAHI NI BAYAN MUNA SECTORAL REP CRISPIN BELTRAN SA HOUSE CTTE ON ETHICS NA DAPAT NITONG LAMNG ITUON ANG IMBESTIGASYON SA ISYU NG GANG OF FIVE AT HUWAG IBALING ANG ATENSIYON SA MGA MIYEMBRO NG MEDIA NA NAGSIWALAT NG BALITA.

SINABI NI BELTRAN NA ANG TUNAY NA LAYUNIN NG IMBESTIGASYON AY UPANG MALAMAN UMANO ANG KATUTUHANAN SA LIKOD NG ESTORYA NA MAYROON DIUMANONG MGA MIYEMBRO NG KAMARA NA GUMAGAMIT NG KANILANG KAPANGYARIHAN UPANG MANGIKIL SA MGA INDIBIDWAL AT MGA MALALKING KUMPANYA.

AYON SA KANYA, BAGAMAT IMPORTANTE ANG TESTEMONYA NG MGA HOUSE REPORTER HINGGIL SA ISYU, HINDI DAPAT GIPITIN SILA DAHIL HINDI NAMAN SILA ANG INIIMBESTIGAHAN KUNDI ANG KANILANG MGA ESTORYA.

DAHIL DITO, NANAWAGAN SI BELTRAN SA MGA MAY KINALAMAN AT MAY NALALAMAN NA LUMANTAD NA UPANG LUMABAS NA KATUTUHAN PARA MAPALINIS NA ANG REPUTASYON NG KAMARA NA NADUNGISAN NG NABANGGIT NA ISYU. (30)
Free Counters
Free Counters