Wednesday, July 19, 2006

10/03/01 MANDATORY DRUG TEST SA MGA DRAYBER, IPUPURSIGE

NAGPAHAYAG KAHAPON SI CEBU REP ANTONIO CUENCO NA IPUPURSIGE NIYA SA KONGRESO NA MAKAPAGLAAN ITO NG PONDO PARA SA MANDATORY DRUG TESTING SA MGA DRAYBER NG MGA SASAKYANG PAMPASAHERO UPANG MATUGUNAN ANG PROBLEMA SA PAGTAAS NG BILANG NG SAKUNA NA MAY KAUGNAYAN SA PAGGAMIT NG IPINAGBABAWAL NA DROGA.

SINABI NI CUENCO NA DUMARAMI UMANO ANG BILANG NG MGA DRAYBER SA BUS, JEEPNEY, TAXI AT KAHIT SA TRICYCLE NA NALULULONG SA DROGA NANG INIHINTO NG LAND TRANSPORTATIO OFFICE O LTO ANG DRUG TESTING DAHIL SA KAKULANGAN SA PONDO.

AYON SA KANYA, HINDI NA UMANO MABILANG ANG MGA PANGYAYARING AKSIDENTENG NAUUGNAY SA MGA DRUG DEPENDENT DRIVER DAHIL LAMANG SA KAKULANGAN NG PERA NG PAMAHALAAN PARA IPANGTUSTOS SA DRUG TESTING NG MGA DRAYBER.

ANG PINAGUUSAPAN DITO, DAGDAG PA NG MAMBABATAS, AY ANG KALIGTA-SAN NG BUHAY NG MGA MAMAMAYAN KUNG KAYAT DAPAT LAMANG UMAN-ONG BIGYANG PANSIN ANG PAGPOPONDO SA MANDATORY DRUG TESTING. (30)
Free Counters
Free Counters