Wednesday, July 19, 2006

10/10/01 - MGA AHENSIYANG PABAHAY, DAPAT BUWAGIN

IPINANUKALA NGAYON NI CEBU REP RAUL DEL MAR ANG PAGTATATAG NG DEPARTMENT OF HOUSING AND RESETTLEMENT KASABAY SA PAGBUBUWAG NAMAN NG MGA AHESIYA NG PAMAHALAAN NA MAY KAUGNAYAN SA PABAHAY.

SINABI NI DEL MAR NA PAGTATATAG NG NABANGGIT NA AHENSIYA AY MAGBIBIGAY NG MAS MALAKING PANAHON UPANG ANG MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN AY MAGKAROON NG DESENTE AT SARILING TAHANAN.

AYON SA KANYA, PAGTUTUUNAN DIN NG PANSIN NG BAGONG ITATATG NA AHENSIYA NG PABAHAY ANG MGA MAMAMAYANG TITNUTURING NA LESS FORTUNATE NA NAKATIRA SA MGA DELIKADONG LUGAR AT ILAGAY ANG MGA ITO SA LIGTAS AT MAAAYOS NA LUGAR.

SINABI PA NI DEL MAR NA SISIGURUHIN UMANO NG PANUKALANG ITO NA MAGKAROON NG TAHANAN ANG BAWAT MAHIRAP NA PILIPINO AT KILALANIN NITO ANG KARAPATAN NG BAWAT TAO NA MAGKAROON NG DESENTENG LAGAY NG PAMUMUHAY. (30)

BADYET NG PASIG RIVER REHAB, INAPRUBAHAN NA SA KAMARA

INAPRUBAHAN NA NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS ANG PANUKALANG BADYET PARA SA TAONG 2002 NG PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION O PRRC NA NAGKAKAHALAGA NG P1.47 BILYON.

BATAY SA EO 54 NA NILAGDAAN NOONG 1996, ANG NATURANG AHENSIYA AY ITINATAG UPANG PANGASIWAAN ANG REHABILITASYON NG ILOG PASIG AT NG PALIGID NITO UPANG MAGING KAAYAAYA ITO SA PANINGIN AT MAGING SIMBOLO NG ISANG TUNAY NA PAGBABAGO AT KAUNLARAN.

KABILANG DIN SA PROGRAM NG KOMISYON ANG RELOKASYON NG MGA PAMILYANG NAKATIRA SA TABI NG ILOG AT PAGPAPAGAWA NG MGA PARKE FLOD CONTROL STRUCTURES SA KAHABAAN NG NABANGGIT NA ILOG.

SINABI NAMAN NI MARINDUQUE REP EDMUND REYES NA ANG REHABILITASYON NG ILOG PASIG AY NAUNA NANG IPNATUPAD NG TATLONG NAKALIPAS NA ADMINISTRASYON.

AYON SA KANYA, ANG PROYEKTONG ITO AY DAPAT SUPORTAHAN NG PUBLIKO UPANG MAKAMIT ANG TUNAY NA LAYUNIN NG KOMISYON NA MAKAKABUTI PARA SA LAHAT. (30)

10/10/01 - BABALA SA MAGING EPEKTO NG DIGMAAN SA EKONOMIYA

NAGBABALA NGAYON SI BATANGAS REP FRANK PEREZ NA MAAARING MAGKAROON NG MAHIRAP NA HINAHARAP ANG BANSANG PILIPINAS LALU NA KUNG ANG LUMULUBHANG TENSIYON SA PAGITAN NG INTERNATIONAL COALITION NA PINAMUMUNUAN NG AMERIKA LABAN SA PANDAIGDIGANG TERORISMO AY GANAP NA SUMIKLAB.

KAUGNAY NITO, NANAWAGAN SI PEREZ SA PAMAHALAAN, KONGRESO AT MAGING SA PRIBADO AT SEKTOR NG MGA MANGAGAWA NA MAGKAISANG PAGSUMIKAPANG PAGHANDAAN ANG ANUMANG MGA KAGANAPAN NA MAGING RESULTA NG PAGSIKLAB NG DIGMAAN.

SINABI NI PEREZ NA BAGAMAT PATUNGO NA SANA SA PAGAHON ANG BANSANG PILIPINAS NA MAKAIWAS SA RESESYON DAHIL SA INAASAHANG GROSS DOMESTIC PRODUCT GROWTH NA 3 PORSIYENTO SA KASALUKUYANG TAON, ANG EPEKTO NAMAN NG PANDAIGDIGANG RESESYON AY NARARAMDAMAN PA RIN SA BANSA.

DAHIL DITO, NANAWAGAN SI PEREZ KAY PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO NA KAAGAD NITONG PULUNGIN ANG ISANG EMERGENCY ECONOMIC SUMMIT UPANG MAKAPAGLATAG NG ISANG PROGRAMA NA TUTUGON SA KASALUKUYANG PANAWAGAN. (30)
Free Counters
Free Counters