Sunday, August 07, 2022

PAGGAWAD NG SPECIAL POWERS SA PANGULO PARA TUGUNAN ANG TUMATAAS NA PRESYO NG BILIHIN, IMINUNGKAHI

Muling inihirit ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang paggawad ng special powers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tugunan ang tumataas na presyo ng mga bilihin.


Kasunod ito ng naitalang 6.4% inflation rate para sa buwan ng Hulyo.


Punto pa ng kinatawan na patuloy din ang pagtaas ng food inflation kung saan mula sa 4.9% noong Mayo ay pumalo na ito sa 6.9% nitong July.


Ibinabala din nito na posibleng mag-peak ang monthly inflation ng hanggang 8.5% habang ang annual average inflation naman ay posibleng maitala ng hanggang 6.0%


Bunsod nito, apela ng economist solon sa house leadership at kapwa mambabatas, talakayain na ang House Bill 2227 o Bayan Bangon Muli Bill kung saan gagawaran ng special powers ang Pangulo para ma control ang presyo ng mga bilihin.


Ilan sa special powers na ito ay ang :

- anti-hoarding powers

- pagbibigay insentibo sa produksyon ng mga 'essential' na produkto 

- kapangyarihan para makapagbigay ng loans at guarantees sa mga suppliers ng produkto; 

- anti-price-gouging powers

- transport emergency powers 

- pag-mobilize sa uniformed personnel para mapabilis ang mga infrastructure projects at

- bumuo ng inter-agency working groups o taskforces


##

Free Counters
Free Counters