ILAN PANG PINUNO NG KAPULUNGAN, HINIRANG
Ilan pang pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang hinirang kahapon. Ito ay sina Rep. Josefina Tallado (1st District, Camarines Norte) bilang chairperson ng Special Committee on Bicol Recovery and Economic Development sa ika-19 na Kongreso.
Sa pamamaghitan ng kanyang pamumuno, ay tutugunan ng kanyang Komite ang lahat ng usapin na may kaugnayan sa mga polisiya at programa na nakatuon sa pagsusulong at pagsasaayos ng kaunlaran ng Bicol growth area.
Samantala, ilan pang mga mambabatas ang nahirang bilang mga miyembro ng Committee on Rules. Hinirang ng Kapulungan sina Rep. David “Jay-Jay” Suarez (2nd District, Quezon) bilang Deputy Majority Leader at Rep. Patrick Michael Vargas (5th District, Quezon City) bilang Assistant Majority Leader. Sa pagsisimula ng sesyon, hinirang ng Kapulungan si Rep. Gabriel Bordado bilang Assistant Minority Leader.
Pinangunahan ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. hybrid sesyon ng plenaryo kahapon.
<< Home