Tuesday, August 02, 2022

LEGISLATIVE CALENDAR PARA SA FIRST REGULAR SESSION, PINAGTIBAY NG KAMARA

Pinagtibay ngayong Martes ng Kamara ang House Concurrent Resolution No. 5, na nagtatakda ang Legislative Calendar para sa First Regular Session ng ika-19 na Kongreso ng Pilipinas. 


Ang HCR 5 ay inihain nina Majority Leader Manuel Jose "Mannix" Dalipe at Minority Leader Marcelino Libanan. Ito ay sinag-ayunan ng Senado.


Ito ang magsisilbing gabay ng mga mambabatas sa mga sesyon, gayundin ang mga itinakdang adjournment.  


Sa ilalim ng Legislative Calendar, ang First Regular Session na nagsimula noong ika-25 ng Hulyo 2022, ay mag-aadjourn sine die sa ika-2 ng Hunyo 2023. 


Para naman sa ongoing session na binuksan noong ika-25 ng Hulyo, ay matatapos ito sa ika-30 ng Setyembre 2022. 


Ang unang congressional recess ay mula ika-1 ng Oktubre hanggang ika-6 ng Nobyembre 2022. 


Magbabalik sesyon ang Kongreso sa ika-7 ng Nobyembre hanggang ika-16 ng Disyembre. 


Mag-aadjourn ang sesyon sa Kapaskuhan, sa ika-17 ng Disyembre 2022 hanggang ika-22 ng Enero 2023. 


Magbabalik sesyon ang Kongreso sa ika-23 ng Enero ng susunod na taon, hanggang ika-4 ng Marso 2023. 


At mag-aadjourn ito mula ika-25 ng Marso hanggang ika-7 ng Mayo 2023. 


Panghuli, magbabalik sesyon ang Kongreso sa ika-8 ng Mayo hanggang sa sine die adjournment sa ika-2 ng Hunyo 2023. 


Ang adjournment ng sesyon ay mula Hunyo hanggang ika-23 ng Hulyo 2023.

Free Counters
Free Counters