Thursday, July 07, 2022

58 PANG BAGONG HALAL NA MGA MAMBABATAS, TINAPOS ANG EXECUTIVE COURSE SA LEHISLASYON

Tinapos ng ikalawang batch ng mga bagong halal na mambabatas sa ika-19 na Kongreso, na kinabibilangan ng 58 Kinatawan ang Executive Course sa Lehislasyon ngayong Miyerkules, na magbibigay sa kanila ng dinamikong pamamaraan sa paggawa ng batas at epektibong pamamahala. 


Sa ginanap na tatlong araw na pagsasanay, ibinahagi ng mga dalubhasa mula sa Kapulungan, mga opisyal ng Secretariat at ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) faculty members ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang proseso ng lehislatura. 


Ilan dito ay ang bill drafting, policy dynamics, public policies, ang budget process, legislative committee operations, legislative ethics at accountability, media engagement, cyber security, at online hygiene. 


Iprinisinta ni Legislative Information Resources Management Department (LIRMD) Deputy Secretary-General Dr. Edgardo Pangilinan ang mga mambabatas na matagumpay na nagtapos sa kurso sa lehislatura. 


Isang kunwaring sesyon sa plenaryo ang isinagawa sa Belmonte Hall bago ang kanilang ganap na pagtatapos sa kurso. 


Sa kanyang pangwakas na mensahe, binanggit ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na handa na ang mga bagong halal na mambabatas na lumahok sa totoong mga sesyon sa plenaryo at mga pagdinig sa Komite. 


Tiniyak rin niya sa mga bagong mambabatas na nakahanda ang buong Secretariat ng Kapulungan upang sila ay gabayan sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. 


Samantala, nagpasalamat si General Santos City Rep. Ton Acharon, sa ngalan ng Batch 2, sa mga nag-organisa ng pagsasanay na pinamumunuan ni SecGen Mendoza, dahil sa "efficient, systematic, scientific and organized conduct of the workshop." 


Nagpahayag rin siya ng ganap na pagtitiwala sa kanyang mga kapwa mambabatas sa ika-19 na Kongreso at sinabing ang ika-19 na Kongreso ay magiging pinakamagaling na Kongreso sa kasaysayan, na tatalo sa mga nakaraang Kongreso ng bansa. 


Panghuli, umaasa si UP-NCPAG Dean and Associate Professor Dan Saguil na kanilang naibahagi sa mga mambabatas ng Kapulungan ng mga Kinatawan, at kanilang napalakas ang pundasyon ng mga pagsisikap ng mga mambabatas bilang mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan. 


Binigyang diin niya na itataas ng executive course ang kamalayan ng mga mambabatas sa usaping kaunlaran at pagsubok sa bansa. 


"My hope is that you will take the knowledge gained and tools that you have learned and confront these challenges head on," dagdag niya. 


Inorganisa ng Office of the Secretary General organized ang Executive Course sa Lehislasyo, kaakibat ang UP-NCPAG Center for Policy and Executive Development (CPED).

Free Counters
Free Counters