Thursday, July 07, 2022

PAGGAMIT NG MEDIA AT CYBER SECURITY, TINALAKAY SA HULING ARAW NG EXECUTIVE COURSE SA LEHISLASYON

Bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng media bilang mapagkukunan ng mga impormasyon sa publiko, ay tinalakay ng mga dalubhasa ang paksang media engagement sa mga kalahok na mambabatas sa ika-19 na Kongreso, sa isinasagawang Executive Course on Legislation. 


Ang mga bagong halal na mambabatas na dumalo sa tatlong araw na oryentasyon ay tinuruan din hinggil sa paksa ng cyber security. Sa kanyang paksang tinalakay na may titulong: “Engaging with Media: Traditional and Social”, sinabi ni Dr. Rachel Khan, Professor of Journalism at Associate Dean of the College of Mass Communication, University of the Philippines – Diliman, sa mga mambabatas ng Kapulungan na wala silang magagawa kungdi gamitin ang mga tradisyunal na media, na kasalukuyang naghahatid ng mga balita mula sa press corps ng Kapulungan. 


Tinalakay niya ang paksa kung saan ay magagamit ng mga mambabatas ang media tulad ng: 1) daily coverage; 2) press releases; 3) press conferences; 4) Interviews – itinakda o inambus; at 5) off the record conversation versus on the record conversation. 


Tinalakay din ni Khan ang mahahalagang parametro para makakuha ng interes. Ito ay ang wastong oras at tiyempo; kahalagahan (para kanino); pagka prominente; kung saan malapit (para kanino); natatangi; at kahihinatnan. Binanggit rin niya ang ilang bagay na dapat isipin kapag kinakapanayam. 


Sinabi niya na ang mambabatas ay dapat na gumawa ng plano bago ang panayam, para sa kasabihang maaaring matandaan, at tiyakin ng mambabatas na matatanong sa kanya ang nais na maitanong sa kanya, tumutok sa kung ano ang tinatanong ng mga taga-ulat at kung ano ang nais na sabihin ng mambabatas, at huwag na sasagot ang mambabatas ng sagot na “no comment”, at iba pa. Iginiit niya rin ang kahalagahan ng pagmomonitor ng media upang malaman kung papaano inilalarawan ng media ang imahe ng mambabatas sa social media. 


“It’s always good to know what people are talking about you,” ani Khan. Sinabi niya na bilang mga mambabatas, ay dapat lamang na parati silang laman ng apat na malalaking media platforms – Facebook, Twitter, Instagram and You Tube. 


Sinabi niya na ang You Tube channel ay espesyal na ginagamit sa ni-rekord na privilege speeches at ang pagiging presensya sa mga pagdinig ng Komite, at sinabing hindi kinakailangang may mataas na kalidad na produksyon ang gagamiting video. 


Samantala, tinalakay naman ni House Information and Communications Technology (ICT) Service Director Julius Gorospe ang paksa hinggil sa Basic Cyber Security at Online Hygiene. 


Tinalakay niya ang cyber security, data privacy, digital signatures at mga serbisyong alay ng ICT sa mga mababatas.

Free Counters
Free Counters