Tuesday, April 13, 2021

-PANUKALANG MAGHAHATI SA TATLO NG PANGALAWANG DISTRITO NG LALAWIGAN NG RIZAL, PIRMADO NA NG PANGULO

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na maghahati sa second legislative district ng Rizal province sa tatlong bagong distrito.


Layon nito na mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente at mapadali ang long-term recovery mula sa COVID-19 crisis.


Sa panukalang batas, ang House Bill 6222, na inihain nina Reps. Fidel Nograles, Jack Duavit, Roberto Puno at Resurreccion Acop, mananatili ang mga bayan ng Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jala-jala, Pililla at Teresa sa 2nd district, samantalang ang Rodriguez ang maitatag na 3rd Congressional district at ang bayan ng Rodriguez ang magiging 4th district.


Nagbibigay ng direktiba ang nasabing batas sa Commission on Elections na magpalabas ng kinakailangang implementing rules and regulations sa loob ng 30 araw ng effectivity ng batas.

Free Counters
Free Counters