Malalaking halaga ng pera na ipinupuslit sa bansa ng mga chinese National na hinihinalang miyembro ng sindikato pinangangambahan na nagagamit sa illegal drug trade
Nababahala si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Rep Robert Ace Barbers na
nagagamit sa transakyon ng ilegal na droga ang malalaking halaga ng pera na umanoy nakakapasok sa bansa dala ng mga chinese nationals na hinihinalaang grupo ng mga sindikato.
Ayon kay Barbers noong nakaraang taon pa aniya niya sinabi na posibleng may bilyong pisong halaga ng pera na ipinapasok sa bansa sa magamit sa kalakaran ng illegal na droga.
Giit pa ng kongresista, kung negosyo at pamumuhunan ang ipinunta ng isang dayuhan sa bansa ay dapat idinaan sa bangko ang pera at hindi ito personal na bitbit dahil may mga umiiral na international law na hindi dapat lalagpas sa $10,000 ang dalang halaga.
Kasabay nito ay pinuna rin ni Barbers ang tila relax na pamamaraan ng mga taga-airport, Immigration, Customs, at AMLC sa pagpasok ng dirty money sa bansa na aniyay nakakadismaya.
Dahil dito ay pinakikilos ng mambabataas ang gobyerno na magkaroon ng database system sa mga dayuhang pumapasok sa bansa upang agad na maideklarang red flag ang mga kahihinalang byahe ng ilang mga foriegn nationals na paulit ulit na bumabyahe sa Pilipinas dala ang malalaking halaga ng pera.
<< Home