Tuesday, September 03, 2019

Ungab: Wala dapat ikabahala ang mosyon na i-withdraw ang inihaing General Appropriations Bill para sa 2020.

Ito ay matapos na ipagutos ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab ang paghahain sa plenary para sa first reading noong Miyerkules para sa 2020 General Appropriations Bill na bigla namang pinabawi ni House Deputy Speaker for Finance Lray Villafuerte. 
Ayon kay Villafuerte, procedural matter lamang ang dahilan kung bakit niya pina-withdraw ang House Bill 4228.
Paliwanag ng mambabatas, on-going pa ang budget presentation ng iba't-ibang ahensya ng pamahalaan kaya hindi pa maaring maghain ng panukala para sa 2020 budget.
Sa ilalim ng rules kailangan munang matapos ang budget briefing ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno sa Kamara bago maghain ng panukalang bugdet sa susunod na taon.
Aminado namam si Ungab na inatasan niya ang committee secretariat ng House Appropriations Committee na ihain ang panukala para sa unang pagbasa.
Hindi din aniya maikukunsiderang premature ang paghahain sa first reading dahil ilang linggo ng dinidinig ang budget at ang National Expenditure Program (NEP) na inihain ng Malakanyang ay replica din naman ng ipinapasang GAB. 
Sinabi rin nito na wala siyang personal knowledge sa pag withdraw ni Villafuerte sa panukalang pondo at kung sino ang nasa likod nito.
Free Counters
Free Counters