Friday, September 13, 2019

Rep Eric Go Yap: Posibleng talamak ang GCTA for sale sa BuCor

Ikinabahala ng isang mamababatas ang diumano’y GCTA for sale sa BuCOr ng mga opisyal nito na sangkot sa katiwalian na ayon sa kanya ay dapat papanagutin
Nangangamba si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap  na posibleng talamak na  ang GCTA for sale transaction sa loob ng Bureau of Corrections o BuCor.
Ito ay kasunod sa umano’y pagkakasama ng pangalan ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa listahan ng mga  posibleng makalaya  sa ilalim ng GCTA.
Sinabi ni Go Yap na hindi sapat na matanggal lamang sa  serbisyo ang mga tiwaling opisyal nito kaya nararapat lamang aniya na patuloy na gumulong ang pagdinig   sa kontrobersiyang  kinakaharap ng BuCor. 
Kaugnay dito, maghahain ang mambabatas ng isang panukala na amiyendahan ang Article 97 ng Revised Penal Code at RA 10592 na layong mag takda ng mga pamantsyan sa pagbibigay ng good conduct time allowance sa isang convicted criminal.
Tiniyak ng mambabatas  na patuloy nilang babantayan ang anumang uri ng pag-abuso sa batas tulad ng GCTA.
Free Counters
Free Counters