Thursday, September 12, 2019

Dating Cong Espino, pinagbabaril at nasa kritikal na kalagayan

Si dating Congressman ng 5th District  ng Pangasinan Amado Espino, Jr. ay pinagbabaril at kasalukuyan ay nasa kritikal na kalagayan at ino-obserbahan sa isang pagamutan sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa report na ipinadala ni PNP Spokesperson Police Brigadier Gen Bernard Banac, pinagbabaril umano si Espino kahapong pasado alas-4 ng hapon sa Barangay Magtaking, San Carlos City, Pangasinan.
Sinabi ni Banac na sakay ang biktima ng kanyang sasakyan ng pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Naisugod kaagad ang dating solon sa Holy Blessed Family Hospital sa San Carlos City, Pangasinan at ngayon ay patuloy na ino-obserbahan.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang dragnet operation ng San Carlos City Police Station para maaresto ang mga suspek.
Free Counters
Free Counters