Hataman: Humiling ng pondo para sa NCMF kasunod ng bomb attack sa Indanan, Sulu
Nananawagan ngayon si House Deputy Speaker Mujiv Hataman na mapondohan ng Department of Budget and Management o DBM ang National Commission on Muslim Filipinos o NCMF kasunod na rin ng bomb attack sa Indanan, Sulu.
Sinabi ni Hataman na nangangailangan ng P338.3 Million na alokasyon para sa mga programa ng NCMF- bagay na hiling mambabatas na maibigay.
Balak namang pondohan sa ilalim ng hiiningi na umento ang Project on Preventing and Countering Violent Extremism o PCVE na P192 Million; Traditional Madrasah Development Program na P64.44 million; Shari'ah Training na P4.2 million; Domestic Halal Development na P55.9 million; at P21.6 million para sa operasyon ng 11 NCMF Regional Offices.
Hindi naman naaprubahan ngayong 2019 budget ang ilan sa mga programa ng NCMF kaya nakikiusap ang kongresista na maisama ito sa pondo ng susunod na taon.
Dahil dito, nananawagan din si Hataman sa mga kasamahang kongresista na tulungan din siya na makahingi ng alokasyon sa NCMF upang mapondohan ang mga mahahalagang programa na makakapigil sa umiiral na karahasan sa ilang lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
<< Home