Tuesday, August 06, 2019

Tuloy pa rin ang serbisyo publiko ng PCSO sa kabila ng suspensyon ng mga lotto outlets: Cayetano


Siniguro ngayon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi pababayaan ni Pangulong Duterte ang mga serbisyo publiko at iba pang charity works ng pamahalaan sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kabila ng suspensyon at pagpapasara ng mga lotto outlets. 
Tiwala si Cayetano na hindi papayag ang Pangulo na masakripisyo ang mga public service program ng administrasyon. 
Kampante din si Cayetano na gumagawa na ng paraan ang gobyerno at sila sa Kamara ay suportado ang anomang hakbang na gagawin ng Pangulo.
Samantala, hinimok naman ni Cayetano na huwag munang husgahan agad ang naging aksyon ni Pangulong Duterte dahil marami itong hawak na impormasyon mula sa intelligence. 
Nakiusap din ito na bigyan ng sapat na panahon ang Pangulo upang maayos ang problema ng korapsyon sa PCSO.

Free Counters
Free Counters