Tuesday, August 06, 2019

Mga kongresista magdodonate ng bahagi ng kanilang sweldo para sa mga biktima ng lindol ng Batanes


Nagkasundo ang mga kongresista na boluntaryong magbigay ng kontribusyon mula sa bahagi ng kanilang buwanang sweldo para sa mga biktima ng lindol sa Batanes.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, matapos ang manifestation sa plenaryo ay nagpaikot na ng signature sheet kung saan maaaring isulat ng mga mambabatas ang halaga ng donasyon o boluntaryong kontribusyon para sa relief operations.
Naipaliwanag na rin ni Romualdez kay Speaker Alan Peter Cayetano na ang fund drive ay nakagawian  na sa Kamara bilang tulong sa mga nasugatan, nawalan ng tirahan at mga naulilang residente sa pamamagitan ng salary deduction sa tuwing may tumatamang kalamidad.
Maaari aniyang umabot sa tatlo hanggang limang milyong piso ang malilikom na donasyon mula sa tatlongdaang kongresista lalo't ang karamihan ay nangakong magbibigay ng 50,000 hanggang 100,000 pesos kahit pa limang libong piso lang ang minimum contribution.
Free Counters
Free Counters