Tuesday, August 06, 2019

Paglalaan ng espasyo sa North at South Wing Lobby ng Kamara para magsilbing collection area ng mga donasyon


Upang mas mapalawak ang kampanyang mangalap ng donasyon para sa Batanes ay hiniling ni Majority Leader Martin Romualdez sa Legislative Security Bureau ng House of Representatives ang paglalaan ng espasyo sa North at South Wing Lobby ng Kamara de Representantes para magsilbing collection area ng mga donasyon, pera man o relief packs na ipaparating sa concerned agencies.
Kasalukuyang nangangalap ngayon ang Kamara de Representantes g donasyon para matulungan ang mga biktima nga lindol sa Batanes.
Para naman sa mga interesadong magbigay ng donasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Chief of Staff ni Batanes Representative Ciriaco Gato na si Attorney Rachel Derigay sa contact number na 09985548060.
Sa sesyon kagabi ay in-adopt ng mga mambabatas ang House Resolution 139 para magpaabot ng simpatya at pakikidalamhati sa mga biktima ng tumamang lindol sa Batanes na ikinasawi ng hindi bababa sa siyam na indibidwal.

Free Counters
Free Counters