Payo ng Speaker sa mga kritiko sa death penalty: samahan ng dasal at aksyon para bumaba ang krimen sa bansa
Pinayuhan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kritiko sa panukalang death penalty na samahan ng dasal at aksiyon para magawan ng paraan ang pagbaba ng krimen sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagtutulak ni Pangulong Duterte na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at pandarambong.
Naniniwala si Cayetano na malaki ang magiging impluwensya ng dasal at aksiyon sa pagbaba ng krimen laban sa isinusulong na death penalty.
Hinimok ng Speaker ang mga kontra sa panukalang parusang kamatayan na sabayan ng mga ito ng dasal at mga hakbang para palakasin ang peace and order sa bansa tulad ng paglalagay ng cctv at dagdag na ilaw sa mga kalsada at maliliit na daan.
Dapat din aniya na palakasin pa ng mga otoridad ang kanilang kampanya kontra sa iligal na droga.
Ayon pa sa Speaker, puspusan lang naman ang pagsusulong ni Pangulong Duterte sa parusang kamatayan dahil tuluy-tuloy pa rin ang droga at krimen pero kung bababa ang crime rate sa bansa ay mababalewala ang debate sa pagbabalik ng death penalty.
<< Home