Emergency power ibibigay na ng Kamara kay Duterte
Ibibigay
na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte ang
emergency power para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila, Davao
City at Metro Cebu.
Ito ang
siniguro ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa press briefing kamakailan
dahil natapos na ang pagdinig ng House committee on transportation sa nasabing
panukala.
Umaandar na
raw sa Kamara matapos kumustahin ang nasabing panukala dahil wala ito sa 14
panukalang batas na prayoridad ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na maipasa
bago ang sine die sa Hunyo 2, 2017.
Ayon kay
Alvarez, kahit wala sa 14 priority bills, puwedeng maisama ito sa mga
aaprubahan ngayong buwan bagama’t aminado ang House Speaker na “parang MRT
lang, laging nasisira”.
<< Home