Magna Carta para sa day care workers, isinusulong
Upang magawaran ng sapat na suweldo ang mga day care worker sa buong bansa, naghain si Bohol Rep Edgar Chatto ng HB04946, ang panukalang magi-institutionalize ng Magna Carta for Day Care Workers.
Sinabi ni Chatto na sa kasalukuyan, ang mga day care worker ay tumatanggap lamang ng kakarampot na allowance na nagkakahalaga ng limang daang piso bawat buwan para sa kanilang pag-facilitate ng pangkalahatang development ng mga batang edad anim na taon pababa.
Ayon sa kanya, talagang hindi sapat para sa mga taong may taglay na kakakayahang kailangan para maalagaang mabuti ang mga batang kanilang inaaruga bawat araw.
Dahil dito, ipinanukala ni Chatto ang pagkakaroon ng suweldo na katumbas sa salary grade 6 sa mga day care worker na high school graduate hanggang second year college at nakapanilbihan ng hindi bababa sa limang taon, salary grade 8 naman para sa mga second year college pataas at grade 10 naman para sa mga graduate ng kolehiyo.
<< Home