Wednesday, September 17, 2008

Informal settlers sa Congress Village, pina-iimbestigahan

Pinasisiyasat ni Caloocan City Rep Oscar Malapitan sa mga House Committee on Housing and Urban Development at Local Government ang hindi maawat na pagdami ng mga informal settler sa loob ng Congress Village, ang pabahay ng mga empleyado ng Mababang Kapulungan sa Caloocan at hiniling din nito na tukuyin ang mga admnistrative at criminal liability ng lokal na pamahalaan ng naturang lungsod sa hindi pagpigil sa pagdami ng mga squatter sa lugar.

Sinabi ni Malapitan na batay sa reklamo ng mga nanirahan sa naturang lugar at sa mga kalapit na subdibisyon, dumarami umano ang iligal na itinatag na mga bahay sa loob ng printing press site na nasa tapat mismo ng Congress Village.

Ayon sa kanya, ang site ng park, playground, hospital at printing press na nakalaang maging Caloocan City Science and Technology National High School ay sa halip naging isang pugad na ng mga informal settler.

Idinagdag pa ng solon na ang pagdami ng mga squatter sa lugar ay nagdulot din ng banta sa seguridad sa mga residente at naging sanhi din ng pagtaas ang mga insidente ng akyat-bahay at iba pang mga krimen kagaya ng cell phone snatching at nakawan, bukod pa sa idinulot na banta sa kalusugan dahil sa mga dumi at basurang hindi maayos na idinispatsa ng nanirahan.

Free Counters
Free Counters