TEXT AT CALL RATES SA CELLPHONE, DAPAT IBABA
UMAPELA SI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES SA MGA TELECOMMUNICATIONS COMPANY NA BABAAN NG MGA ITO ANG HALAGA NG KANILANG MGA SERBISYO, AT LEAST SA MGA GANITONG MAHIRAP NA PANAHON, MAPATOS ANG MGA ITO HUMAKOT NG BILYUN-BILYONG GANANSIYA DAHIL SA MGA INVESTMENT INCENTIVE AT SA TINATAWAG NA BLIND PATRONAGE NG MILYU-MILYONG MGA FILIPINO.
MARIING SINABI NG SPEAKER NA SERYOSO ANG KAMARA NA I-RATIONALIZE ANG OPERASYON NG MGA TELCO SA BANSA SA LAYUNING MAIBABA ANG MGA BAYAD SA TEXTING NA NAGBIBIGAY NG KARAGDAGANG PANG-ARAWA-ARAW NA GASTUSIN NG MGA FILIPINONG TAHANAN.
AYON SA SPEAKER, INATASAN NA NIYA ANG HOUSE COMMITTEE ON INFORMATION AND TECHNOLOGY NA PINAMUMUNUAN NI CATANDUANES REP JOSEPH SANTIAGO UPANG PAG-ARALAN ANG RA07925, ANG TELECOMMUNICATIONS POLICY ACT OF 1995 PARA MAKAPAG-MUNGKAHI NG POSIBLENG AMIYENDA RITO NA MAGRIRESULTA SA PAGPAPABABA NG HALAGA NG MGA SERBISYO NG TELCO, PARTIKULAR NA RITO ANG TEXTING.
MAAARI UMANONG NAABUSO NG MGA TELCO ANG PROBISYON NG RA07925 NA NAG-AALIS NG 12% NA CEILINGS SA RETURN OF INVESTMENTS AT 3% NA FRANCHISE TAX SA GROSS RECEIPTS AT MAAARI NA UMANONG ITO NA MARAHIL ANG GAMITIN NILANG DAHILAN NA BABAAN ANG PRESYO NG SERBISYO.
BASE SA ESTIMATES, AYON PA SA KANYA, ANG TEXTING AY MAGKAKAHALAGA LAMANG NG 25 SENTIMO BAWAT MESSAGE O DILI KAYA AY MAGING LIBRE NA ITO AT ANG VOICE CALL NA NAGKAKAHALAGA NG 8 PISO AY SISINGILIN NA LAMANG NG HINDI NA PER MINUTE BASIS PARA NAMAN HINDI MALUGI ANG SUBSCRIBER SA MGA DROP CALLS AT NA DAPAT ITO AY PER 5 SECONDS OF USAGE NA LAMANG ANG MAGING BASEHAN.
DAHIL WALA UMANONG BATAS NA NAGRIREGULATE SA MGA CALL RATES NG MOBILE PHONE SERVICE, DAGDAG PA NG SPEAKER, KAHIT ANG NTC AY WALANG MAGAWA UPANG MAPROTEKTAHAN ANG MGA SUBSCRIBER.
<< Home