Sunday, June 08, 2008

OPEN LEARNING SYSTEM, PAIIGTINGIN

PAIIGTINGIN NG PAMAHALAAN ANG OPEN LEARNING SYSTEM AT DISTANCE EDUCATION SA BUONG BANSA UPANG ANG PAG-AARAL SA KOLEHIYO AT ACCESSIBLE SA MARAMING MGA MAMAMAYAN LALU NA PARA MGA LIMITADO LAMAMNG ANG ORAS AT PERA.

ITO ANG ITINADHANA SA PANUKALA NI LAS PINAS CITY REP CYNTHIA VILLAR SA HB03747 UPANG MAPALAKAS ANG NABANGGIT NA MGA SISTEMA SA EDUKASYON PARA MAPALAWIG ANG MAIPAGPAPAIBAYO ANG MGA OPORTUNIDAD SA EDUKASYON SA ISANG EPEKTIBONG PAMAMARAAN SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG TINATAWAG NA INNOVATIVE EDUCATION TECHNOLOGY.

SINABI NI VILLAR NA ANG OPEN LEARNING SYSTEM AY KAILANGAN UPANG LUMUWANG ANG DAANAN TUNGO SA DEKALIDAD NA EDUKASYON SA KOLEHIYO HABANG ITO AY NAGGAGARANTIYA NG ACADEMIC FREEDOM NG HIGHER EDUCATIONAL INSTITUTION KUNG ANO ANG DAPAT ITURO SA MGA MAGAARAL.

AYON SA KANYA, MARAMI SA MGA MAHIHIRAP NA MGA PAMILYANG FILIPINO AY HINDI NA NAKAKAYANANG GUMASTOS PA NA KAAKIBAT SA ARAW ARAW NA GASTUSIN HABANG ANG KANILANG MGA ANAK AY NAKA-ENROLL, KAGAYA NG PAMASAHI, PAGKAIN AT IBA PANG MGA SCHOOL RELATED INCIDENTAL EXPENSES.

MARAPAT LAMANG UMANONG PAIGTINGIN ANG OPEN LEARNING AND DISTANCE EDUCATION DAHIL ITO NAMAN UMANO ANG NARARAPAT NA KASAGUTAN SA KASALUKUYANG KAGANAPAN SA BANSA.
Free Counters
Free Counters