Friday, June 06, 2008

TAUNANG PRODUCTIVITY BONUS PARA SA MGA MANGGAGAWA SA PRIBADONG SEKTOR

GAGAWARAN NA ANG LAHAT NA MGA MANGGAGAWA SA PRIBADONG SEKTOR NG TAUNANG PRODUCTIVITY BONUS SA SANDALING MAGING BATAS ANG HB03391 NI CAVITE REP JOSEPH EMILIO ABAYA NA MAY LAYUNING MAGKAKAROON NG INDUSTRIAL HARMONY AT MUTUAL BENEFITS SA PAGITAN NG LABOR AT MANAGEMENT.

SINABI NI ABAYA NA ANG PAGBIBIGAY NG ANNUAL PRODUCTIVITY BONUS SA MGA MANGGAGAWA AY HINDI LAMANG UMANO MAGSILBE BILANG KARAGDAGANG KITA KUNDI ITO AY MAGSISILBENG NA RING INSENTIBO PARA SA MAGANDANG PRODUCTIVITY NA SIYA NAMANG MAGBIBENIPISYO SA MGA NEGOSYO.

NAKAPALOOB SA PANUKALA NI ABAYA NA ANG SINUMANG TAO, KURPORASYON, KUMPANYA O ASOSASYON NA HINDI O BIGO MANG MAGBAYAD NG NAKATAKDANG BONUS SA MGA APEKTADONG MANGGAGAWA AY DAPAT MAGBAYAD SA BAWAT EMPLEYADO NG TATLONG ULIT SA NARARAPAT NA IBAYAD AT BABAYAD PA NG MORAL DAMAGE NG HINDI HIHIGIT SA P30,000.00 AT HAHARAP PA SA PAGKAKAKULONG NG HINDI BABABA SA ISANG TAON ALINSABAY PA SA PAGBAYAD NG HALAGA NG LITIGATION AT ATTORNEY'S FEES.

AYON SA KANYA, ITO NA UMANO ANG PAGKAKATAON NA BIBIGAYAN NG PAMAHALAAN ANG NARARAPATA NA MIKANISMO NA SIYANG MAGPAPATUPAD SA NG ITINAKDA NG SALIGANG BATAS NA NAGBIBIGAY IMPORTANSIYA SA MGA MANGAGAWA.
Free Counters
Free Counters