Sunday, June 08, 2008

JAIL OFFICERS NA PABAYA SA TRABAHO, KULONG ANG PARUSA

GAGAWIN NANG ISANG CRIMINAL OFFENSE ANG PAGPAPAYAG NA MAKA-ESKAPO O PANSAMANTALANG AALIS SA DETENTION CELL ANG MGA PRISO SA PAMAMAGITAN NG MGA OPISYAL SA PAMAHALAAN O SA MGA JAIL OFFICER.

ITO ANG NILALAMAN NG PANUKALA NI CAGAYAN DE ORO REP RUFUS RODRIGUEZ, ANG HB03882, NG KANYANG SINABI NA ANG KAPABAYAAN NG MGA JAIL GUARD O NG KANILANG MGA OPISYAL SA PAGHADLANG NG PAG-IESKAPO NG ISANG PRISO AY TALIWAS SA ITINADHANA SA SALIGANG BATAS NA DAPAT NATING BANTAYAN KUNG ANG PAGBABATAYAN AY ANG PRINSIPYO NG DEMOKRASYA NA DAPAT IMINTINA ANG KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN AT SA PROTEKSIYON NG BUHAY, LIBERTY AND PROPERTY AT ANG PROMOTION NG GENERAL WELFARE NG MGA MAMAMAYAN.

AYON SA PANUKALA NI RODRIGUEZ, ANG MGA JAIL WARDEN NA MAKIKIPAG-SABWATAN MAN O MAGBIGAY MAN NG PAHINTULOT PARA SA PAGKAKA-ESKAPO NG ISANG PRISO NA NASA ILALIM NG KANYANG KUTODIYA AY PAPARUSAHAN DIN.

KUNG ANG ISANG PRISO AYON PA RIN SA PANUKALA, AY NAKAPAG-SAGAWA NA NAMAN NG ISANG KASALANAN SA LABAS NG DETENTION CENTER, PAGKAKAKULONG NG LABINGDALAWANG TAON PARA SA RESPONSABLENG OPISYAL ANG IPAPATAW AT PERPETUAL ABSOLUTE DISQUALIFICATION SA ANUMANG POSISYON SA PAMAHALAAN.
Free Counters
Free Counters