Monday, June 30, 2008

NATIONAL GAMING COMMISSION, ITATATAG

ISINULONG NI QUEZON REP DANILO SUAREZ, CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON OVERSIGHT, ANG PAGKAKATATAG NG NATIONAL GAMING COMMISSION (NGC) NA MAY LAYUNING PAG-ISAHIN NA ANG LAHAT NA MGA PAMANTAYAN AT REGULASYON NG PAMAHALAAN AT ANG SUPERVISION HINGGIL SA MGA PASUGALAN AT GAMING SA BUONG BANSA UPANG MAPATAAS ANG KITA NG GOBYERNO SA LAHAT NG MGA NUMBERS' GAME.

SINABI NI SUAREZ NA INAASAHAN ANG MATAAS ANG KOLEKTA SA BUWIS AT MGA BAYARIN PARA SA PAMAHALAANG NASYONAL KUNG PAYAGANG ANG GOBYERNO AY
I-ASSUME ANG PAPEL NG ISANG REGULATORY BODY SA GAMBLING AT GAMING.

MAKASISEGURO NA TAYO UMANO NA KIKITA NG MALAKI ANG GOBYERNO SA CASINO, LOTTO, OPERASYON NG SWEEPSTAKES, SMALL TIME LOTTERY (STL), SABUNG AT HORSERACING GAMES AT IBA PANG MGA NUMBERS GAMES KUNG I-CENTRALIZE ANG MGA GOVERNMENT REGULATIONS AT ANG SUPERVISION SA MGA GAMING AT GAMBLING SA BUONG BANSA.

SA KASALUKUYAN, AYON PA SA SOLON, HINDI PA STRUCTURED AT WATAK-WATAK PA ANG GOBYERNO KUNG ANG PAG-UUSAPAN AY ANG PAG-REGULATE SA GAMBLING AT GAMING AT DINIDISALLOW ANG MAXIMIZATION SA PAGPAPATAAS NG MGA REVENUE GALING SA MGA NUMBERS GAMES.

AYON SA PANUKALA, NGC ANG MAGRI-REGULATE SA OPERASYON NG MGA CASINO NA KASALUKUYANG PINANGANGASIWAAN NG PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION (PAGCOR), ANG LOTTO AT SWEEPSTAKES NA PINATATAKBO NG PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) AT ANG HORSERACING EVENTS NA PINATATAKBO RIN NG PHILIPPINE RACING COMMISSION, GANUN NA RIN SA SABUNG AT IBA PANG MGA EXISTING NUMBERS GAMES.
Free Counters
Free Counters