Wednesday, June 25, 2008

PAMUMUHUNAN NG MGA RETIRADO, IPAGPAIBAYO

INIULAT KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES NA IPINASA NA NG KAMARA DE REPRESENTANTES SA SENADO ANG PANUKALANG "GOVERNMENT EMPLOYEES' ENTREPRENEURSHIP DEVELOPMENT ACT OF 2008" NA SIYANG MAGPAPAIBAYO NG MALUSOG AT PRODUKTIBONG BUHAY SA MGA NAGRETIRO NA AT SA MGA MAGRERETIRO PANG MGA EMPLEYADO MATAPOS ITONG APRUBAHAN SA PANGATLO AT PINAL NA PAGBSA SA MABABANG KAPULUNGAN.

SINABI NG LIDER NG KAMARA NA DAPAT UMANONG PRODUKTIBO AT MASAYA ANG BUHAY NG MATAPOS MAG-RETIRO SA SERBISYO PUBLIKO ANG ISANG EMPLEYADO KAYAT DAPAT ITONG TINGNAN ANG POSIBILIDAD NA I-DISKUBRE, SURIIN AT I-EXPLOIT ANG MGA IDEYA AT OPORTUNIDAD SA NEGOSYO UPANG ITO AY MAISALIN SA ISANG PRODUKTIBONG BUHAY.

AYON KAY SPEAKER NOGRALES, ANG PAGKAKA-APRUBA NG HB03825 AY BILANG TUGON LAMANG SA POLISIYA NG ESTADO NA PALAKASIN ANG HUMAN AT INTELLECTUAL CAPITAL NG PAMAGHALAAN UPANG MASIGURO ANG ISANG MALUSOG AT PRODUKTIBONG BUHAY PARA SA MGA RETIRADO.

NAKAPALOOB SA PANUKALA ANG PAGUUTOS SA LAHAT NG MGA AGENCY HEAD NA MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA GOVERNMENT FINANCIAL INSTITUTION UPANG MAKAPAGGAWAD NG SOURCES NG FINANCING PARA SA KANILANG MGA PROYEKTO AT MAIPAGPAIBAYO ANG PAG-ORGANISA NG MGA KOOPERATIBA PARA TUMAAS ANG KANILANG TSANSA NG PAG-UNLAD.
Free Counters
Free Counters