Thursday, June 26, 2008

AGRICULTURAL LAND CONVERSION, DAPAT SUSPENDIHIN

lflIMINUNGKAHI NI MANILA REP MA THERESA BONOAN-DAVID SA KANYANG HB04420 NA PANSAMANTALANG SUSPENDIHIN ANG KAPANGYARIHAN NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN NA MAKAPAG-RECLASSIFY NG MGA AGRICULTURAL LAND AT GAWIN ANG MGA ITO BILANG NON-AGRICULTURAL, ISANG KAPANGYARIHANG IGINAWAD SA KANILA AYON SA RA07160 O ANG LOCAL GOVERNMENT CODE OF 1991.

ANG MUNGKAHI NG MAMBABATAS AY BUNSOD NA RIN SA KASALUKUYANG DINARANAS NG BANSANG KRISIS SA SUPLAY NG PANGUNAHING STAPLE FOOD PRODUCTS PARTIKULAR NA RITO ANG BIGAS.

SINABI NI BONOAN-DAVID NA ANG KAKULANGAN NG MGA LUPANG PANG-AGRIKULTURA PARA SA MGA MAGSASAKA NA BUNGKALIN, I-CULTIVATE AT GAMITIN PARA SA AGRICULTURAL PRODUCTION AY ANG NAGPAPALALA PA SA KINAKAHARAP NG BANSA NA KRISIS SA BIGAS.

ITO AY DAHIL UMANO, AYON PA SA SOLON, SA HALOS NASA IKATLUNG BAHAGI LAMANG NG KABUUANG LUPAIN SA BUONG BANSA ANG NAGAGAMIT PARA SA AGRIKULTURA DAHIL KARAMIHAN DITO AY NAI-CONVERT NA SA NON-AGRULCULTURAL NA GAMIT.

POLISIYA UMANO NG ESTADO NA MASEGURO ANG ANGKOP NA PAGGAMIT NG MGA LAND RESOURCES SA BUONG BANSA, DAGDAG PA KONGRESISTA.

SA ILALIM NG PANUKALA, DAPAT GAMITIN NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN SA PINAKAMATAAS NA ANTAS ANG KAPABILIDAD, FEASIBILITY, AT SOUNDNESS NG MGA LUPAIN SA MGA LAYUNING GAMITIN ANG MGA ITO PARA SA PANG-AGRIKULTURA.
Free Counters
Free Counters