Monday, June 23, 2008

TOTAL BAN NG PANINIGARILYO SA MGA PAARALAN, IPINANUKALA

TINATAYANG UMAABOT SA 20,000 FILIPINO BAWAT TAON O DALAWA KADA ORAS ANG NAMAMATAY NA ANG DAHILAN AY MAY KAUGNAYAN SA PANINIGARILYO.

ANG NAKABABAHALANG RESULTA NG SURVEY NA ITO ANG NAGBUNSOD KAY NUEVA ECIJA REP EDUARDO NONATO JOSON NA MAGHAIN NG PANUKALANG BATAS NA IPAGBAWAL NA SA LAHAT NG MGA CAMPUS, PAARALAN AT UNIBERSIDAD SA BUONG BANSA ANG PANINIGARILYO.

TINUKOY NI JOSON SA KANYANG HOUSE JOINT RESOLUTION NO. 16 ANG PAGUULAT NA ISINAGAWA NG ISANG GLOBAL YOUTH TOBACCO SURVEY NA NAGSASABI NA 21.6% NG MGA ESTUDYANTENG FILIPINO AY NANINIGARILYO AT 32.6% SA KABUUAN NITO AY MGA LALAKI AT 12.9% NAMAN ANG MGA BABAE.

SINABI NI JOSOSN NA SA MGA PAGAARAL NA ISINAGAWA SA LOOB AT LABAS NG BANSA, IISA LAMANG UMANO ANG NAGING KONKLUSYON: LIBO LIBONG TAO ANG NAMAMATAY DAHIL SA PANINIGARILYO.

AYON SA KANYA, ANG DAHILAN NG PAGTAAS NG BILANG NG MGA NANINIGARILYONG MGA KABATAAN AY ANG KAKULANGAN NG EPEKTIBONG BABALA O MEDIA ADVERTISEMENTS HINGGIL SA EPEKTO NG PANINIGARILYO.

ISA PANG RASON UMANO AY ANG KAKULANGAN NG MGA PATAKARANG PAGBABAWAL NG PANINIGARILYO SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR PARTIKULAR NA RITO ANG MGA PAARALAN.

IDINAGDAG PA NI JOSON NA LAYUNIN DIN NG KANYANG PANUKALA NA MAPROTEKTAHAN ANG KARAPATAN NG TAO SA PAGKAKAROON NG MAGANDANG KALUSUGAN GANUN NA RIN SA HEALTH CONSIOUSNESS NG LAHAT NG MGA MAMAMAYAN.
Free Counters
Free Counters