Monday, June 30, 2008

ORGANIC FARMING, DAPAT IPAGPAPAIBAYO

IPINANUKALA NI QUEZON PROVINCE REP PROCESO ALCALA SA KONGRESO ANG PAGPAPAIBAYO NG ORGANIC FARMING SA BUONG BANSA SA GITNA NG PAGTAAS NG MGA PRESYO NG SYNTHETIC FERTILIZERS AT PERTICIDES.

SA HB04118 NA INIHAN NI ALCALA, KANYA RING IPINURSIGE ANG PAGPAPATUPAD NG ISANG PROGRAMANG PAMBANSANG ORGANIC FARMING SA PANGANGASIWA NG ORGANIC FARMING COMMISSION.

SINABI NI ALCALA NA DAPAT UMANONG MAPAGANDA NG TAKBO NG SEKTOR PANG-AGRIKULTURA NG BANSA BILANG ISANG AGRICULTURAL COUNTRY UPANG MAIBABA ANG ANTAS NG KAHIRAPAN AT MAPAGANDA ANG BUHAY PANG-EKONOMIKO NG MGA MAMAMAYAN NITO.

AT ISA SA MGA PAMAMARAAN, PALIWANAG PA NI ALCALA, AY ANG PAGIGING PRODUKTIBO SA AGRIKULTURA NG BANSA SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAIBAYO NG ORGANIC FARMING LALU NA SA HARAP NG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA FARM INPUTS KAGAYA NG CHEMICAL FERTILIZER, PERTICIDES AT PHARMACEUTICALS.

AYON PA SA KANYA, TAMAAS ANG PRESYO NG MGA PRODUKTONG PANG-AGRIKULTURA NOONG MGA NAKARAANG PANAHON DAHIL UMANO SA PAGTAAS NG PRESYO NG EXTERNAL FARM INPUTS NA SIYA NAMANG NAGING BUNSOD NG PAGBABA NG KITA NG MGA MAGSASAKA NA NAGING EPEKRTO NG BUONG SEKTOR SA AGRIKULTURA.

ANG PAGGAMIT NG ORGANIC FARMING AY TUWIRAN UMANONG MAGPAPABABA NG PAGGAMIT NG MGA SYNTHETIC INPUTS NA NANGANGAHULUGANG PAGBABADIN NG FARM PRODUCTION COSTS, PAGKAKAROON NG PREMIUM MARKET PRICES AT MATAAS NA KITA AT BENEPISYO PARA SA ATING MGA MAGSASAKA, AYON PA SA KANYA.
Free Counters
Free Counters