Thursday, June 12, 2008

EXEMPTION SA WITHOLDING TAX NG MGA SENIOR CITIZEN

MAGING EXEMPTED NA SA DALAWAMPUNG PORSIYENTONG WITHHOLDING TAX ANG LAHAT NA DESPOSITO NG MGA SENIOR CITIZEN SA BANGKO.

ITO ANG NILALAMAN NG PANUKALANG INIHAIN KAMAKAILAN LAMANG NI ARC PARTY LIST REP NARCISO SANTIAGO, ANG HB03408.

SINABI NI SANTIAGO NA ANG MGA MAY EDAD NANG MIYEMBRO NG TAHANAN AY INAARUGA NG KANI-KANILANG PAMILYA NGUNIT MARAPAT DIN UMNANONG GAWARAN NG TULONG NG PAMAHALAAN ANG MGA ITO SA PAMAMAGITAN NG ANGKOP NA MGA PROGRAMA PARA SA KANILANG SOCIAL SECURITY.

TINUKOY NI SANTIAGO ANG PROBISYON SA RA07432 NA NAGMAMANDO SA NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY O NEDA NA I-DETERMINA ANG EXEMPTION SA PAGBABAYAD NG MGA INDIVIDUAL TAX NA MANGGAGALING SA KITA NG SENIOR CITIZEN HANGGANG SA SAPAT NA ANTAS.

NGUNIT, HINDI NAMAN UMANO KASALI SA EXEMPTION ANG 20% WITHHOLDING TAX SA INTEREST INCOME NA KIKITAIN NG BANK DEPOSIT NG MGA SENIOR CITIZEN.

AYON SA KANYA, LABAG UMANO ITO SA ITINATADHANA NG BATAS SAPAGKAT MALAKING BAHAGI DAW SA KITA NG KARAMIHANG MGA SENIOR CITIZEN AY NAKUKUHA NILA GALING SA INTERES NG KANILANG SAVINGS AT RETIREMENT BENEFITS NA NAKADEPOSITO SA BANGKO.

IPINANUKALA DIN NI SANTIAGO NA EXEMPTED DIN SA 20% WITHHOLDING TAX ANG INTEREST INCOME NG MGA SENIOR CITIZEN SA DEPOSITO SA BANGKO BASTA'T ANG DEPOSITO AY HINDI HIHIGIT SA P600,000 AT SILA AY GAGAWARAN DIN NG 20% DISCOUNT SA LAHAT NG MGA ESTABLISIYEMENTO KAGAYA NG TRANSPORT SERVICE PROVIDERS, HOTELS, RESTAURANTS, AT RECREATION CENTERS, GANUN NA RIN SA PAGBILI NG MGA GAMOT.
Free Counters
Free Counters