Tuesday, June 10, 2008

AMERICAN BENEFITS PARA SA MGA FILIPINONG WORLD WAR II VETERANS

MAKALIPAS ANG ANIMNAPU'T DALAWANG TAON NA PAGHIHINTAY, MATUTUNGHAYAN NA NG MGA BETERANONG FILIPINO ANG PAGKAKAPASA NG MATAGAL NANG INSAASAMASAM NILANG PANUKALA NA MAGGAGAWAD NG MGA BENEPISYO PARA SA KANILANG PAKIKIPAGLABAN KASAMA ANG MGA AMERIKANO NOONG PANGALAWANG PANDAIGDIGANG DIGMAAN.

ANG NAKATAKDANG PAGKAKA-APRUBA SA KONGRESO NG ESTADOS UNIDOS NG VETERANS EQUITY BILL AY MALUGOD NA INI-ULAT NI ZAMBALES REP ANTONIO DIAZ SA MABABANG KAPULUNGAN KAMAKAILAN.

INORGANISA AT PINAMUNUAN NI DIAZ, CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON VETERANS AFFAIRS ANG ISANG LOBBY GROUP SA US CONGRESS PARA IPURSIGE ANG PAGKAKAPASA NG NATURANG MAHALAGANG PANUKALA.

PINALIWANAG NI DIAZ NA ANG MGA BETERANONG FILIPINO SA WORLD WAR II AY NAGSUMIKAP NA MAPAHALAGAHAN ANG KANILANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA GANAP NA PAGPANUMBALIK NG KANILANG MGA BENEPISYO GALING SA PAMAHALAAN NG AMERICA.

SANGAYON SA PANUKALA, ANG FILIPINONG BETERANO AY TATANGGAP NG BUWANANG PENSIYON NA AABOT SA $375 AT ANG YAONG MGA NAKATIRA SA AMERICA AY TATANGGAP DIN NG KATUMBAS SA TINATANGGAP NG MGA AMERIKANONG BETERANO RIN.

SINABI NG SOLON NA ANG PAGKAKAPASA NG NABANGGIT NA PANUKALA SA US SENATE AY BILANG PAGTANGGAP NG US GOVERNMENT NA ITO AY MAY PAGKAKAUTANG SA MGA FILIPINONG BETERANO AT NA SILA AY MAY OBLIGASYONG MORAL UPANG IWASTO ANG NAKAKAHIYANG PAGKAKAMALI NILA SA NAKALIPAS NA PANAHON.

DATIRATI, IDINAGDAG PA NIYA, ANG MGA SUNDALONG FILIPINO UMANO AY TUMANGGAP NG MGA BENEPISYO SA ILALIM NG GI BILL OF RIGHTS NGUNIT ITO NAHINTO BATAY NA RIN SA PAGKAKAPASA NG RESCISSION ACT SA AMERICA NOONG 1946.

KAUGNAY DITO, PINASALAMATAN NI DIAZ ANG MGA AMERIKANONG MAMBABATAS NA TUMULONG NA ISULONG ANG LAYUNIN NG MGA FILIPINONG BETERANO SA KATAUHAN NINA SENATOR DANIEL IKAKA, SENATOR DANIEL INOUYE AT REP BOB FILMER NG US CONGRESS.

Free Counters
Free Counters