RPPt BPSF patunay na nagagamit ng tama pondo ng bayan— House leaders
Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagdadala ng mga serbisyo at tulong ng gobyerno sa iba’t ibang lalawigan, ay isang patunay na nagagamit ng tama ang pondo ng bayan upang maprotyeksyunan at mapabuti ang kalagayan ng lipunan.
Nagkakaisa sina Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon, House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, at House Assistant Majority Leader Ernesto “Ernix” Dionisio ng Manila, sa pagsasabing ang BPSF ni Pangulong Marcos kasama si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez bilang pangunahing tagapagsulong ng programa, ay isang tagumpay na nararapat lamang na ipagpatuloy at kung maari ay gawin ng permanente.
“Nasasaksihan po namin ‘yung implementasyon ng pondong inaprubahan namin noong nakaraang taon. We’re talking about hundreds of millions being downloaded directly to individuals,” ayon kay Suarez sa ginanap na pulong balitaan sa Kamara de Representantes noong Miyerkules.
“Come the budget hearings, we can actually say yes, the budget and the funds were used properly and effectively, and the BPSF was one proper conduit that the funds benefitted the less fortunate na mga kababayan natin,” dagdag pa ng mambabatas mula sa Quezon.
Ang BPSF ay naisagawa na sa 20 lalawigan at lungsod sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nakapagdala sa mga ito ng bilyun-bilyong pondo para sa mga serbisyo ng gobyerno at social protection sa nakalipas na ilang buwan, kabilang ang mga lugar sa Mindanao tulad ng Surigao del Sur, Zamboanga City, Bukidnon, Agusan del Norte, Sultan Kudarat, Davao de Oro, at Tawi-Tawi.
“Congratulations sa ating Pangulo Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos and, of course, kudos to our Speaker Martin Romualdez for their commitment to ensure the continuity of this program for the succeeding months and years to come,” ayon pa kay Suarez expressed, kung saan nakatakda namang isagawa ang ika-21 serye ng BSPF sa Eastern Visayas sa Biyernes.
Para naman kay Barbers, ang BPSF ay isang rebolusyonaryong programa ng gobyerno na direktang nagbibigay ng tulong sa ‘masa’ na higit na nangangailangan ng serbisyo ng pamahalaan.
“Para sakin, isang patunay ito na ang BBM administration at syempre dito sa Mababang Kapulungan, under the leadership of our Speaker, has made the delivery of public service to the people hanggang sa baba. So, ito yung sinasabing ‘bringing the government closer to the people,’” ayon kay Barbers
“Perhaps the government manifests this by bringing all these funds and services down to be grassroots level. First time ito nangyari sa ating bansa at ito ay napakagandang idea na ipinatupad ng ating Speaker at ng ating mahal na Presidente,” dagdag pa ng mambabatas mula sa Mindanao.
“Dahil nga nakita natin na kailangan maramdaman ng ating mga kababayan, lalong-lalo yung nasa laylayan ng lipunan kung tawagin, na merong gobyernong tumitingin sa kanila at nagmamahal sa kanila,” ayon pa kay Barbers.
Sinabi naman ni Dionisio, na ang BPSF ay isa ring pagkakataon na makita ng mga pinuno ng bansa ang tunay na kalagayan ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
“Yun bang pag pumupunta ka kasi sa kalsada, you're going down to the grassroots level sa ground. Nakikita natin kung ano talaga ‘yung sitwasyon, pagbaba ng BPSF, makikita natin yung talagang needs ng mga tao,” ayon kay Dionisio.
“So, having said that, I really applaud ‘yung move ni Presidente Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez for doing the BPSF na direktang nare-receive yung tulong ng bawat Pilipino, inaabot yung mga Pilipino,” dagdag pa ng mambabatas.
“Kaya dito naman sa amin sa Congress, we will make sure that the funding of such programs mentioned by DS Jayjay Suarez will be protected, kung hindi mamaintain, madagdagan pa sana natin, to increase the number of beneficiaries of such programs,” sinabi pa ni Dionisio. (END)
<< Home