Saturday, August 03, 2024

 RPPt Speaker Romualdez suportado pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan sa BARMM



Nakikiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagsusulong na mapanatili ang kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Si Speaker Romualdez ay kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang tanggapin nito ang Third National Government-Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body (IGRB) Progress Report, na naglalaman ng pag-unlad na narating ng BARMM.


Ang IGRB ay itinatag sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, na nagsisilbing mekanismo para sa koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng National Government at ng Bangsamoro Government. 


Ang Third IGRB Progress report ay isinumite kay Pangulong Marcos Jr. ni Budget Secretary Amenah Pangandaman at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Education Minister Mohagher Iqbal — na kapwa co-chairperson ng IGRB, sa isang seremonya na ginanap sa Heroes Hall ng Malacanang Palace, Miyerkules ng umaga. 


“The submission of this progress report to President Marcos is a significant milestone in our collective efforts to foster lasting peace and development in Mindanao,” ayon kay Speaker Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“The continuous collaboration between the National Government and the Bangsamoro Government is essential in addressing the unique challenges faced by our fellow Filipinos in BARMM,” dagdag pa ng mambabatas.


Layunin ng IGRB na tugunan ang mga usaping intergovernmental, tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa BARMM, at itaguyod ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.


Sinabi ni Speaker Romualdez, na ang pagtanggap ng Third IGRB Progress Report ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng kapayapaan, katatagan, at inklusibong pag-unlad sa rehiyon.


“The progress we have achieved thus far in our journey towards lasting peace is a testament to the power of unity and a shared vision in line with the spirit of ‘Bagong Pilipinas’ where no one is left behind,” ayon pa kay Speaker Romualdez. 


“The House of Representatives remains fully committed to supporting the development of BARMM as a critical component of our peace initiatives,” pagbibigay-diin pa ng lider ng Kamara. 


Sa susunod na linggo, inaasahang sisimulan na ng Kamara ang pagsusuri sa panukalang P6.352 trilyong badyet para sa susunod na taon, kung saan nakapaloob ang P83.4 bilyong annual block grant sa BARMM.


Sinabi ni Pangulong Marcos na ang Third IGRB report, na naglalaman ng mga nakamit at patuloy na inisyatiba ng IGRB, ay patunay ng matagumpay na pakikipagtulungan sa pagitan ng pambansang pamahalaan at ng BARMM at patuloy na dedikasyon tungo sa pagpapalaganap ng kapayapaan at pag-unlad.  


Ayon sa punong ehekutibo, nagsimulang ipatupad ang pitong mekanismo noong nakaraang taon, na magsisilbing pundasyon para sa pagpapatupad ng mga batas at polisiya na ipinasa ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament.


Kabilang sa mga mekanismong ito ang Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum (PCBPF), Intergovernmental Fiscal Policy Board (IFPB), Joint Body for the Zones of Joint Cooperation (JBZJC), Intergovernmental Infrastructure Development Board (IIDB), Intergovernmental Energy Board (IEB), Bangsamoro Sustainable Development Board (BSDB) at ang Council of Leaders (COL).


Samantala, umaasa naman si Speaker Romualdez sa pagkakaroon ng mapayapa at maayos na eleksyon sa Mayo 2025 para pumili ng 80 indibidwal na magiging miyembro ng BARMM parliament, na magiging kauna-unahang regular election para sa parliament ng nasabing autonomous na rehiyon


“Let us all work together to ensure the peaceful, orderly, and honest exercise of our democratic right of suffrage to protect the gains we have achieved in the long and arduous struggle for peace,” ayon pa kay Romualdez. (END)

Free Counters
Free Counters