PANUKALANG PROTEKSIYON SA INTERES NG MGA BATA NG MGA MAGKA-HIWALAY NA MGA MAGULANG, ISINULONG SA KAMARA
Para sa mga balasubas na mga magulang, panahon na para umayos at harapin nila ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak.
Isinusulong ngayon ni Northern Samar Rep Paul Daza ang Child Support Bill, isang panukalang batas laban sa mga Balasubas Parents.
Layon nito na protektahan ang interest ng mga bata sakaling magkahiwalay ang kanilang mga magulang.
Sa sandaling ito ay maging ganap na batas, ang hindi pagbibigay ng sustento sa anak ng isang ama ay panagutan nito sa batas.
Lalo na kapag may inilabas nang child support order ang korte.
Iminumungkahi sa panukala ang pagbibigay ng suporta sa anak ng isang ama ng hindi bababa sa P6,000.00 kada buwan.
Naniniwala si Cong. Daza na panahon na para ipasa ang panukalang batas na siyang magbibigay proteksiyon sa mga anak laban sa kanilang balasubas na magulang.
Ang Child Support Bill ay kabilang sa unang panukalang batas na inihain ni Rep Daza sa 19th Congress of the Housr of Representatives.
Ang nasabing panukalang batas ay tugon sa current imbalance in child support responsibilities sa mga naghiwalay na mag asawa.
Dagdag pa ni Rep. Daza, ang Pilipinas ay may batas din na pumu-protekta at tumutulong sa mga single parents sa ilalim ng Solo Parent Welfare Act RA 8972 at Violence against women and Children Act RA 9262 dapat din aniya magkaroon ng batas para duon sa non-custodial balasabas parents na hindi nagbibigay suporta sa kanilang anak.
Para sa mambabatas hindi sapat ang pagbibigay diskwento at iba pa sa mga solo parent ang maaaring gawin ay obligahin ang mga non-custodial parents na magbigay tulong pinansiyal para sa kailangan ng kaniyang anak.
Sinabi ni Cong. Daza ang isinusulong nitong Child Support Bill ay mas lalong mabibigyan ng ngipin ang batas lalo na kapag di magbibigay ng suportang pinansiyal ang non-custodial parents.
Kabilang sa mga parusa ang pagkakakulong, hindi pag renew ng passport, drivers licence at iba pa.
Batay sa datos ng WHO ayon sa kanya, mayruong 14 million single parent households sa Pilipinas at 94% sa kanila ay mga kababaihan.
<< Home