Wednesday, December 22, 2021

-UMABOT NA SA 19 NA KATAO ANG NAIULAT NA PATAY SA SIARGAO DAHIL SA BAYONG ODETTE — CONG MATUGAS


Iniulat ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco Matugas II na pumalo na sa 19 ang bilang ng mga nasawi sa Siargao Island dahil sa bagyong Odette.


Sinabi ni Matugas na ang numerong kanyang nakamtan, batay sa impormasyon na nakarating sa kanya ay 19.


Nang tanungin siya kung may mga turista ba sa isla na naging biktima ng bagyo, sinabi ni Matugas na nasa 600 na ang nakalabas ng Siargao matapos ma-trap dahil kay Odette at meron pa segurong nasa humigi’t kumulang 1,000 pa ang domestic tourists na na-trap din doon.


Dahil dito, nananawagan siya na sana ay makapagpadala ang pamahalaang nasyunal ng mga food packs, potable water at ang pika-importante ay ang kanilang masisilungan o shelter dahil 90% ng mga tao daw doon at wala nang bahay. 


Kasalukuyan ay wala pa rin umanong suplay ng kuryente sa naturang sikat na tourist spot.

Free Counters
Free Counters