Tuesday, December 07, 2021

-PANUKALANG MANDATORYONG PAGPAPAREHISTRO NG MGA SIM CARD, LUSOT NA SA KAMARA

Inaprubahan kahapon (Lunes) ng Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang “Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act.”


Ang panukala ay naglalayong tulungan ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa pagsubaybay sa mga delingkuwenteng gumagamit ng mga mobile phone na may post-paid at pre-paid na mga SIM card upang ituloy ang mga masasamang gawain tulad ng pagkidnap para ipatubos at maliliit na krimen tulad ng pagnanakaw.


Ito ay magtatatag ng isang sistema ng Pagbebenta at Pagpaparehistro ng mga SIM Card para sa lahat ng mga gumagamit sa pamamagitan ng pagrerehistro ng kaugnay na datos sa isang pamamaraan na itinakda para sa layunin nito.




Inaprubahan din ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang HB 4553, na mag-aamyenda sa Article 70 ng Revised Penal Code. Nakakuha ang panukala ng 167 pabor na boto, pito na negatibo, at walang abstensyon. 


Aalisin nito ang 40-taong pinakamatagal na panahon ng pagkakakulong tulad ng nakasaad sa nasabing Artikulo upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang mga Pilipinong biktima at ang kanilang mga pamilya.


Ang iba pang mga panukalang batas na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay ang: 1) HB 9981, na nagdedeklara sa mga maritime zone sa ilalim ng hurisdiksyon ng Republika ng Pilipinas at 2) HB 10521, na nagpapalakas ng propesyonalismo at nagtataguyod ng pagpapatuloy ng mga polisiya at mga inisyatiba sa modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas. 


Ang hybrid na sesyon ngayong araw ay pinangunahan ni Speaker Velasco, gayundin nina Deputy Speaker Isidro Ungab, Bernadette Herrera, at Divina Grace Yu.

 

#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters